Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Dr. Anthony Leachon, Adviser to the Inter Agency Task Force on COVID-19, hindi talaga malabo ang second wave ng sakit kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon.
Maliban sa pagiging sadyang pasaway problema din aniya ang pagiging ignorante o kawalang alam ng mga Pinoy.
Malinaw naman aniya sa guidelines sa ilalim ng modified ECQ at GCQ na hindi naman lahat ay pwede nang lumabas.
Isa rin sa nakikitang ni Leachon na maaring maging problema ang paparating pang mga bagyo sa bansa.
Kailangan ayon kay Leachon na handa na ang mga lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng hiwalay na evacuation centers at hiwayal na quarantine facilities.
Dapat ding may health protocols na paiiralin sa mga evacuation center.