Halos 500 OFWs darating sa bansa ngayong araw

Halos limangdaan pang Overseas Filipino Workers ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay bahagi ito ng one-time, big-time repatriation ng DFA sa mga stranded na OFWs sa ibang bansa.

Ayon kay Dulay, 345 na OFWs na uuwi ngayong araw ay mula Saudi Arabia at mayroon pang 114 na OFWs mula Myanmar.

Lahat ng gastos sa pag-uwi sa bansa ng mga OFWs ay sagot ng pamahalaan sa ilalim ng Assistance-to-Nationals.

 

 

 

 

 

Read more...