Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Southwest ng Calatagan, alas-3:36 madaling araw ng Lunes (May 18).

May lalim na 111 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...