Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 130 kilometers Northeast ng Baganga, ala-1:04 madaling araw ng Lunes (May 18).

May lalim na 97 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...