Mga nagpasaway sa umiiral na GCQ sa Rizal hinuli ng PNP

Ilang araw mula nang umiral na ang general community quarantine sa lalawigan ng Rizal marami na ang naarestong lumabag.

Sa Rodriguez (Montalban) Rizal, kabilang sa mga nahuli ay ang mga lumalabas ng walang quarantine pass.

Hinarang din ang lahat ng motorsiklo na mayroong mga angkas at mga tricycle na higit sa isa ang sakay.

Paalala ng Rodriguez Police Station, lahat ng edad 20 pababa at edad 60 pataas ay hindi pa rin pwedeng lumabas sa ilalim ng umiiral na GCQ.

Ikinabahala ng Rodriguez Police ang pagdagsa ng tao sa labas simula nang unang araw pa lamang ng pag-iral ng GCQ.

Dahil dito kahapon, araw ng Linggo nag-ikot ang mga pulis at mga sundalo sa mga barangay para ipabalik ang mga localized checkpoints maging ang mga checkpoint na minamanduhan ng mga homeowners association.

Umiiral pa rin ang liquor ban sa mga bayan ng Rodriguez at San Mateo sa Rizal.

Samantala, sa Antipolo City marami rin ang naaresto sa unang dalawang araw ng pag-iral ng GCQ.

Kabilang sa nadakip ang mga lumabas nang walang quarantine pass habang ang iba ay dinakip dahil sa hindi pagsunod sa social distancing.

 

 

 

 

 

Read more...