Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 191

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal, nasa 191 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 4 ang bagong bilang ng nadagdag habang nasa 156 naman ang bilang ng mga active cases.

Nanatili sa 410 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa lalawigan habang nanatili sa 63 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

Samantala, nasa 39 ang bilang ng probable kung saan nabawasan ito ng 1 habang nasa 783 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...