Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 93 kilometers Northeast ng Governor Generoso, alas-5:43 madaling araw ng Lunes (May 18).

May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...