Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 155 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.
Inaasahang lalabas ng bansa ang LPA mamayang tanghali o hapon.
Sa weather forecast ngayong araw, sinabi ng PAGASa na ang buong bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Nainit na temperatura ang aasahan ngayong araw sa Metro Manila na maaring umabot sa 34 degrees Celsius ang maximum.
Sa susunod na 3 hanggang 5 araw sinabi ng PAGASA na walang sama ng panahon na posibleng mabuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).