Tarragona, Davao Oriental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 134 kilometers Southeast ng Tarragona bandang 5:43 ng hapon.

Tatlong kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi nagdulot ng pinsala sa lugar ang lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...