Halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng Bagyong Ambo, umabot sa P79.9-M – NDRRMC

Tinatayang aabot sa P79.9 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Ambo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang P79,926,565.30 ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bahagi ng Region 5.

Nasa tatlong istraktura naman ang napaulat na nasira sa Eastern Samar.

Samantala, 18,780 pamilya o 70,398 na indibidwal naman ang inilikas sa bahagi ng Calabarzon, Region 5, 8 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Read more...