Sunog sumiklab sa isang residential area sa Pasay

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pasay City, araw ng Linggo.

Batay sa ulat, apektado ng sunog ang bahagi ng M. Dela Cruz sa Barangay 130.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog bandang 12:57 ng tanghali.

Sa ibinahaging larawan ni Senador at Philippine Red Cross chairman Richard Gordon, rumesponde na rin ang PRC sa lugar para tumulong sa pag-apula ng sunog.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam kung ano ang sanhi ng sunog.

Read more...