Konstruksyon ng COVID-19 testing lab sa Sta. Ana Hospital, sinimulan na

Sinimulan na ng Manila City government ang konstruksyon ng COVID-19 testing laboratory sa Sta. Ana Hospital.

Ito ay para mapaigting pa ang mass testing operations at mapaigting pa ang pagresponde sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Manila City Isko Moreno, mabibigyan ng “gold standard” testing capability ang mamamayan ng Maynila.

“Magpapatayo po tayo ng sarili nating teseting laboratory. This is our long term plan for you, for the city,” pahayag ni Moreno.

“As we speak today, the room and the laboratory area is now being built bilang paghahanda ng inyong pamahalaang lungsod sa mga darating na buwan ng buhay natin na kabahagi natin si COVID-19,” pahayaga ni Moreno.

Base sa talaan ng Manila Health Department, aabot sa 1,533 confirmatory tests ang ginawa na sa siyudad.

Kasabay nito, sinabi ni Moreno na walo pang mobile digital x-ray machines ang binili ng lokal na pamahalaan.

“Ayokong in the middle of everything, nasira yung machine, wala tayong extra. I really wanted to prepare our city with this kind of equipment, facilities, to empower our medical institution and our frontliners in the health sectors,” pahayag ni Moreno.

Read more...