Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 210 kilometers Northwest ng Calayan Cagayan o 185 kilometers Kanlurang bahagi ng Basco, Batanes bandang 10:00, Linggo ng umaga (May 17).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Tinatahak pa rin nito ang direksyong pa-Hilaga sa bilis na 20 kilometer per hour.
Tanging ang Batanes na lamang ang nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
Sinabi ng PAGASA na asahan pa ring magdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Batanes.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Babuyan Islands.
Babala pa ng PAGASA, mapanganib pa ring pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang-pandagat sa seaboard ng mga lugar na nakasailalim sa TCWS.
Sinabi pa ng PAGASA na posible pang humina ang bagyo at maging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang sa susunod na 12 hanggang 24 oras.