Bunga nito nagbabala si Remulla na maaring ikunsidera niya na muling pairalin ang ECQ depende kung tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cavite.
Sa kanyang Facebook post, puna ng opisyal na tila ‘back to normal’ ang naging tingin ng marami sa kanyang mga kababayan sa GCQ.
“Ang dami nagdagsaan sa mga mall at iba pang lugar na tingin nila ‘back to normal’ na. Sa ganyan ugali ay baka higpitan ko muli ang ikot ng tao, restricted to those essential only. Pagaaralan ko po, depende kung tumaas bigla ang bilang ng COVID-19 (coronavirus disease 2019) sa Cavite,” ang post ni Remulla sa kanyang FB account.
Umapela ito na huwag abusuhin ang GCQ para maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.
Sinabi na rin ni Remulla na nakipag-usap na siya kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas at napagkasunduan nila na ang mga trabahador sa kanilang probinsiya ay maaring tumawid para pumasok sa trabaho.
Aniya, kailangan lang ipakita ng mga tatawid na trabahador ang kanilang company ID.
Magkakaroon din ng pakikipag-usap si Remulla kay Laguna Gov. Ramil Hernandez para sa posibleng katulad na kasunduan.
Ang Laguna ay nasa modified enhanced community quarantine lang.