Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 16, 35 pang overseas Filipinos ang naka-recover sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 824 ang na-discharge na sa ospital.
Nasa 2,360 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,262 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, 274 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 690 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 685 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 540 naman ang kaso sa Americas at 445 sa Asia Pacific Region.