Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (May 16), 12,305 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
214 ang panibagong nadagdag na COVID-19 case sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 214 na bagong kaso, 147 o 69 porsyento ay naitala sa National Capital Region (NCR) habang 67 o 31 porsyento ay mula naman sa iba pang lugar.
Nasa 11 ang bagong nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 817 na.
Sinabi pa ng DOH na 101 namang pasyente ang gumaling sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 2,561 na.
MOST READ
LATEST STORIES