Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bansang 3:31 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
Heavy to intense rainshowers na may kidlat at malakas na hangin naman ang mararanasan sa Masinloc at Palauig sa Zambales; Carmona, General Mariano Alvares, Silang, Amadeo, Indang at Trece Martires sa Cavite; Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao, Calamba, Sta. Maria, Mabitac at Los Baños sa Laguna.
Maaapektuhan din ang bahagi ng Pililia, Tanay, Cardona at Antipolo sa Rizal; Laurel, Calaca, Lipa, Padre Garcia, Lobo at San Juan sa Batangas; San Antonio, Perez, General Nakar at San Narciso sa Quezon.
Sinabi ng PAGASA na posibleng maramdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Pinayuhan naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.