Cebu City, Mandaue City mananatili sa ECQ hanggang May 31

Kuha ni Jun Corona

Mananatili ang dalawang lugar sa bansa sa ilalim ng enhanced community quarantine.

Batay sa Resolution no. 37 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), iiral pa rin ang ECQ sa Cebu City at Mandaue City hanggang May 31.

Isasailalim naman sa modified ECQ ang Metro Manila, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Angeles City at Laguna.

Samantala, general community quarantine ang ipatutupad sa mga hindi nabanggit na lugar sa bansa hanggang May 31.

Read more...