Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 40 kilometers Northwest ng Sinait, Ilocos Sur bandang 10:00, Sabado ng umaga (May 16).
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 100 kilometers per hour.
Tinatahak pa rin nito ang direksyong North Northwest sa bilis na 25 kilometer per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Babuyan Islands
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Abra
Signal no. 1:
– Batanes
– Cagayan
– Western portion ng Isabela (Sta. Maria, Sto. Tomas, Delfino Albano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Quirino, Malig, Quezon, Roxas, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Ramon)
– Western portion ng Nueva Vizcaya (Villaverde, Solano, Bayombong, Ambaguio, Bambang, Kayapa, Aritao, Santa Fe)
– Apayao
– Kalinga
– Benguet
– Mountain Province
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
Sinabi ng PAGASA na magdudulot ang bagyo ng moderate to heavy rains sa Cagayan Valley.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan naman ang iiral sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at northern portion ng Aurora at Zambales.
Babala pa ng PAGASA, mapanganib pa ring pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang-pandagat sa seaboard ng mga lugar na nakasailalim sa TCWS at east coast ng Quezon kasama ang Polilio Islands.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Ambo sa Lunes ng hapon, May 18.