Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 308,645 ang global death toll dulot ng nakakahawang sakit.
Pinakamarami pa rin naitatalang nasasawi dahil sa pandemiya ang Estados Unidos na may 88,507 deaths.
Sumunod na rito ang bansang United Kingdom na may 33,998 na bilang ng nasawi.
Nasa 31,610 naman ang COVID-19 related deaths sa Italy habang 27,529 ang death toll sa France.
Narito naman ang naitalang nasawi sa iba pang bansa at teritoryo:
– Spain – 27,459
– Brazil – 14,962
– Belgium – 8,959
– Germany – 8,001
– Iran – 6,902
– Netherlands – 5,643
– Canada – 5,562
– China – 4,633
– Turkey – 4,055
– Mexico – 4,767
– India – 2,753
– Ecuador – 2,594
– Russia – 2,418
– Peru – 2,392
– Switzerland – 1,878
– Pakistan – 834
– Chile – 394
– Saudi Arabia – 292
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,628,393 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 1,758,039 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.