STS Ambo napanatili ang lakas; muling naglandfall sa Real, Quezon kaninang alas 5:00 ng hapon

Muling tumama sa kalupaan ng Real, Quezon ang Severe Tropical Storm Ambo kaninang alas 5:00 ng hapon.

Ito na ang ikapitong landfall ng bagyo simula kahapon.

Sa 8PM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa bisinidad ng General, Nakar Quezon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 165 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Apayao,
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Nueva Vizcaya
– Nueva Ecija
– Quirino
– Aurora
– eastern portion of Pangasinan
– Tarlac
– Pampanga
– Bulacan
– Metro Manila
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– the northern at central portion Quezon
– Polillo Islands
– southern at western portion of Isabela

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Cagayan
– Babuyan Islands
– Batanes
– Zambales
– Bataan
– rest of Isabela
– Batangas
– Marinduque
– rest of Quezon
– Camarines Norte
– northwestern portion ng Camarines Sur

Ayon sa PAGASA ngayong gabi patuloy na makararanas ng moderate to heavy to kung minsan ay intense rains sa Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Occidental Mindoro, at Marinduque.

Mula mamayang gabi hanggang bukas naman ay ganitong lakas ng pag-ulan na rin ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Nueva Vizcaya, at Quirino.

 

 

 

Read more...