Ito ay dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa Bagyong Ambo.
Sa 8PM rainfall warning ng PAGASA, red warning na ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Nueva Ecija, at sa mga bayan ng General Nakar, Polilio, Real, at Infanta sa Quezon.
Nagbabala ang PAGASA ng serious flooding sa mga flood-prone areas.
Orange Warning naman ang umiiral sa mga bayan ng Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, at Pagbilao sa Quezon; gayundin sa Laguna, Pampanga, at Tarlac.
HAbang yellow warning ang umiiral sa Bataan, Cavite, Batangas, at Zambales.
Samantala ayon sa PAGASA, light hanggang moderate na pag-ulan ang nakaaapekto sa nalalabi pang bahagi ng Quezon.