Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 1,431 na ayon sa DOH

Umabot na sa 2,254 ang kabuuang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Base ito sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Sa briefing ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa nasabing bilang 1,431 ang aktibong kaso pa habang mayroong 35 na pumanaw.

Nakapagtala naman ng 42 healthcare workers na gumaling sa sakit, kaya umabot na sa 779 ang health workers na naka-recover.

Narito ang top five medical professions na tinamaan ng COVID-19:

Nurse – 812
Physician – 660
Nursing Assistant – 137
Medical Technologist – 81
Radiologic Technologist – 42

Mayroon ding 260 na non-medical staff na tinamaan ng sakit.

 

 

 

 

Read more...