Liquor ban sa QC binawi na

Lifted na ang pag-iral ng liquor ban sa Quezon City.

Sa bisa ng Executive Order No. 31, na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nagpatupad lamang ng bahagyang paghihigpit sa pagbebenta at pagbili ng alak.

Nakasaad sa EO na lahat ng establisyimento na mayroong valid Liquor License Regulatory Board (LLRB) ay pwede nang magbenta ng alak sa kasagsagan ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang mga residente naman at retailers ay pwede lang bumili at magbenta ng alak mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon.

Nakasaad din sa EO na ang mga High-Volume Retailers gaya ng supermarkets o groceries at Low-Volume Retailers gaya ng sari-sari stores ay dapat magpatupad ng limitasyon sa dami ng nakalalasing nainumin na binibili sa kanila.

 

 

Read more...