Ito ay dahil sa pananalasa ng Typhoon Ambo.
Ayon sa Coast Guard mayroong 112 stranded na cargo drivers at helpers sa Bicol Region at 124 na cargo drivers at helpers sa Eastern Visayas.
Suspendido din ang operasyon ng 44 na rolling cargoes at 2 cargo vessels sa Bicol.
Gayundin ang 75 rolling cargoes at 12 cargo vessels sa Eastern Visayas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para matiyak na walang makapaglalayag ngayong mayroong bagyo.
Inalerto na rin ang lahat ng PCG Districts at Stations upang agarang makaresponde sakaling may maitalang emergency situations.
MOST READ
LATEST STORIES