15 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA

Nasa 15 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 15, 2020 ay 789 na Overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 2,331 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,273 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, nanatili naman sa 269 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na walang naitalang nasawi sa mga Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 687 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 684 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 535 naman ang kaso sa Americas at 425 sa Asia Pacific Region.

 

 

 

Read more...