Ayon sa PAGASA sa pagitan ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi ay maaring tumama sa kalupaan ng Real o Infanta sa Quezon ang bagyo.
Ito na ang magiging pang-pitong landfall ng bagyo.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 40 kilometers South ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 140 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– eastern portion of Pangasinan
– Tarlac
– Pampanga
– Metro Manila
– Bulacan
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Rizal
– Marinduque
– northern portion of Quezon
– Polillo Islands
– western portion of Camarines Norte
– Nueva Ecija
– Nueva Vizcaya
– Aurora
– Quirino
– western portion of Isabela
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman sa:
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Batanes
– Zambales
– Bataan
– rest of Pangasinan
– rest of Isabela
– rest of Quezon
– rest of Camarines Norte
– western portion of Camarines Sur
– northeastern portion of Oriental Mindoro
Hanggang mamayang gabi ang bagyong Ambo ay maghahatid ng moderate hanggang heavy at kung minsan ay intense rains sa Quezon, Marinduque, Aurora, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Simula mamayang gabi hanggang bukas (May 16) ng gabi, moderate to heavy at kung minsan ay intense rains ang idudulot nito sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Nueva Vizcaya, at Quirino.