Bahagi ng SM City sa Cebu tinupok ng apoy

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng SM City Cebu sa Barangay Mabolo, Cebu City Biyernes (May 15) ng hapon.

Ayon sa Cebu City Fire Department (CCFD) natanggap nila ang tawag ala 1:20 ng hapon na
sumiklab ang apoy sa fourth floor ng North Wing ng mall.

Agad namang naideklarang under control ang sunog makalipas ang 17 minuto.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

 

 

Read more...