Kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 12,000 na

Sumampa na sa mahigit 12,000 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng dagdag na 215 na kaso.

Sa nasabing bilang, 144 na bagong kaso ay sa NCR at 2 ang nadagdag sa Region 7, habang ang iba pa ay sa iba pang mga rehiyon sa bansa.

Ayon sa datos ng DOH, umabot na sa 12,091 ang total number ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nakapagtala naman ang DOH ng panibagong 123 na mga pasyente na naka-recover sa sakit.

Sa ngayon ay 2,460 na ang total number or recoveries.

Habang umabot na sa 806 ang nasawi sa COVID-19 matapos makapagtala ng dagdag na 16 na pumanaw.

 

 

Read more...