Davao del Sur niyanig ng magnitude 2.9 na lindol; Intensities naitala sa South Cotabato at Sarangani

Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 9 kilometers southeast ng Kiblawan, alas-11:50 umaga ng Biyernes (May 15).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Kiblawan, Davao del Sur.

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Tupi, South Cotabato at instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...