Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), alas 12:00 ng tanghali ngayong May 15, mayroon na lamang 559 na stranded na mga cargo drivers at helpers.
Ang mga stranded na cargo drivers at helpers ay nasa Southern Luzon, Bicol at Eastern Visayas.
Suspendido din ang operasyon ng 278 na rolling cargoes, 198 na cargo vessels, at tatlong motorbancas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para matiyak na walang makapaglalayag ngayong mayroong bagyo.
Inalerto na rin ang lahat ng PCG Districts at Stations upang agarang makaresponde sakaling may maitalang emergency situations.
MOST READ
LATEST STORIES