Typhoon Ambo pinakamalapit sa Metro Manila Biyernes ng gabi

Mamayang gabi ang pinakamalapit na lokasyon ng Typhoon Ambo sa Metro Manila.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, sa pagitan ng alas 8:00 ng gabi at alas 10:00 ng gabi pinakamalapit sa Metro Manila ang sentro ng bagyo.

Sa nasabing mga oras sinabi ni Perez na nasa 50 kilometers lang ang layo ng sentro ng bagyong Ambo sa Metro Manila.

Bagaman hindi direktang tatama ang sentro nito sa NCR, sakop ito ng diametro ng bagyo.

Ang Metro Manila at maraming kalapit nitong lalawigan ay nananatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 2.

 

 

 

Read more...