Sa inihaing House House Resolution No. 807 na agad ring tinalakay at inaprubahan ng
House Committee on Social Amelioration cluster, ipinalilipat ni Fernando ang implementasyon ng SAP sa DILG na idadaan naman sa mga barangay.
Paliwanag nito, mas alam o kilala ng mga barangay ang kanilang nasasakupan kaya sila ang dapat na manguna sa programa.
Ipinanukala rin ng kongresista na bigyan ng uniform na halagang P5,000 ang bawat pamilya sa Luzon, mapa-mayaman man, mahirap o middle class.
Para sa magiging proseso, ipinaliwanag ni Fernando na maglalabas ang mga barangay ng listahan ng benepisyaryo na sesertipikahan ng Sangguniang Barangay sa pamamagitan ng resolusyon at isasapubliko ito.
Isusumite ang listahan sa DILG secretary para ma-review na siya namang magsusumite sa
Department of Budget and Management (DBM).
Ang SAP funds ay direktang ire-release ng DBM sa mga barangay kaya magiging kargo ito ng punong barangay at treasurer kaya ang mga ito rin ang mananagot kung merong anomalya sa listahan at sa disbursement ng pondo.