Inilikas sa mahigit 2,000 evacuation centers ang 61,189 na pamilya o katumbas ng 305,945 na katao.
Base ito sa datos ng Police Regional Office – 5.
Pinakamaraming inilikas sa lalawigan ng Sorsogon na umabot sa 28,255 na pamilya o 141,275 na indbidwal.
Narito ang bilang ng mga inilikas sa iba pang mga lalawigan sa Bicol Region:
Albay – 14,688 families o 73,440 individuals
Camarines Sur – 12,799 families o 63,995 individuals
Masbate – 2,799 families o 13,995 individuals Catanduanes – 2,015 families o 10,075 individuals
Naga City – 550 families o 2,750 individuals
Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police office, 322 katao ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Sorsogon at Albay.