COVID-19 patient na tumakas sa quarantine facility sa Davao City natagpuan na

Natagpuan na ang babaeng COVID-19 patient na tumakas sa isang quarantine facility sa Davao City noong wekeend.

Ayon sa Davao City Government ang babae ay nahanap Biyernes (May 15) ng umaga.

Una rito ay inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakas ang pasyente sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng pasilidad noong Sabado.

Agad na iniutos ni Duterte na ito ay mahanap.

Hinihiling ng nasabing pasyente na payagan siyang umuwi ng bahay pero hindi ito pinagbigyan dahil positibo sya sa COVID-19.

Dahil sa insidente mas hinigpitan na ang seguridad sa mga health facility sa Davao City.

 

 

 

 

Read more...