Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng pangulo si Budget Secretary Wendel Avisado na maghagilap ng pondo na paghuhugutan ng perang ibibigay sa mga pamilya.
Pinahahanap ng pangulo ang DBM ng budget na pwedeng i-realign para maisakatuparan ang 2nd tranche ng cash subsidy.
Ang nais aniya ng pangulo ay maibigay ang ikalawang tranche ng tulong-pinansyal sa mga lugar na nasa MECQ at GCQ.
Ibig sabihin, kung may mapaghahanapan ng pondo, ang mga pamilyang una nang tumanggap ng SAP ay makatatanggap muli ng 2nd tranche nito.
Binanggit din ng pangulo ang pagbebenta sa ilang asset ng gobyerno para pagkuhanan ng pangtulong sa mga tao.