COVID-19 Safety Protocols dapat obserbahan sa TY Ambo measures – Sen. Angara

Pinatitiyak ni Senator Sonny Angara sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng panalalasa ng bagyong Ambo na istriktong nasusunod pa rin ang COVID-19 safety protocols, lalo na sa mga evacuation centers.

Batid ng senador ang malaking hamon para sa mga pamahalaan ngunit kailangan ay maiwasan pa rin ang community transmission ng nakakamatay na sakit para hindi na makadagdag pa sa intindihin ngayon may kinahaharap din na kalamidad.

Diin ni Angara dapat ay ipatupad pa rin ang physical distancing sa hanay ng mga evacuees, gayundin ang pagsusuot ng mask at pagsunod sa personal hygiene protocols.

Ilang lugar na naranasan na ang epekto ng unang bagyong tumama ngayon taon sa bansa ay nahaharap sa malaking problema dahil ang kadalasan nilang ginagamit na evacuation center ay ginawa ng quarantine facility.

Kung magagawa din naman, ayon pa kay Angara, ng mga lokal na pamahalaan, makakabuti na makahanap ng mga alternatibong evacuation center.

 

 

 

Read more...