Trial ng Japan-made anti viral drug suportado ni Sen. Koko Pimentel

Suportado ni Senator Aquilino Pimentel III ang pagsasagawa ng clinical trial ng anti-viral drug na Avigan na gawa sa Japan.

Unang inanunsiyo ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na libreng magbibigay sila ng mga Avigan sa 43 bansa kasama na ang Pilipinas para sa pagsasagawa ng clinical trial kasabay nang patuloy na paghahanap ng gamot kontra COVID-19.

Nais ni Abe na maaprubahan na ang Avigan bilang gamot sa corona virus bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Sinabi ni Pimentel na naiintindihan naman niya na ang pagkunsidera sa naturang gamot ay ‘for research purposes only,’ ngunit dapat ay humingi pa ang Pilipinas ng dagdag para sa COVID-19 patients na handa na subukan ito sa kanilang sakit.

Gawa ng Fujifilm Holdings Corp., ang Avigan at nagamit na ito sa ibang flu outbreaks at laban sa Ebola at pinipigilan nito na ang pagdami ng virus sa loob ng cell.

Banggit ni Pimenten ang pagiging magandang-loob ng Japan sa Pilipinas ay bunga ng independent foreign policy dahil aniya ang China ay tumutulong na rin sa bansa sa pamamagitan ng mga ipinadala nilang health experts sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...