Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya ang PNP na at hindi ang DILG field offices ang mangangasiwa sa imbestigasyon.
Desisyon aniya ni DILG Sec. Eduardo Año na ilipat sa CIDG ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa usapin dahil mas marami itong imbestigador kaysa sa mga DILG field offices.
Tiniyak ni Malaya na masisiyasat ng PNP ang mga reklamong, tara, kaltas, at pare-parehas na pangalan na benepisyaryo ng SAP.
Lahat aniya ng isyu patungkol sa graft o korapsyon sa pondo ng SAP ay hahawakan ng PNP-CIDG.
Habang kung ang reklamo naman ay administrative complaint laban sa mga opisyal ng barangay gaya ng kabiguang magpatupad ng social distancing o nagpabaya ang kapitan ng barangay sa pagkakaroon ng mass gathering ay ang DILG naman ang hahawak sa reklamo.