US nakapagtala pa ng mahigit 1,600 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag

Sumampa na sa mahigit 86,800 ang bilang ng mga nasasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala pa ng mahigit 1,600 na nasawi sa sakit sa US.

Mayroon ding naitalang mahigit 23,900 na panibagong kaso ng sakit sa nasabing bansa.

Dahilan para umabot na sa mahigit 1,454,000 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 doon.

Sa mga kumpirmadong kaso, mahigit 1 milyon pa ang aktibo at mayroong mahigit 16,000 na kritikal ang kondisyon.

 

 

 

Read more...