Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, simula ngayong umaga ay makararanas na ng
kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila.
Simula naman mamayang tanghali ay mararamdaman na ang bugso ng hangin na dala ng Typhoon Ambo.
Ayon kay Rojas, maaring maranasan ang bugso ng hangin ng Typhoon Ambo sa Metro Manila hanggang bago mag-hatinggabi.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na rainfall warning at iba pang abiso ng weather bureau.
Kaninang alas 5:00 ng umaga ay naglabas na ang PAGASA ng rainfall advisory para sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Ayon sa PAGASA, makararanas na ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Batangas, Rizal, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan at Cavite sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, Quezon at Laguna.