Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 4.5 million na; bilang ng nasawi mahigit 300K na

Umabot na sa mahigit 4,500,000 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa mundo.

Sa nasabing bilang mahigit 300,000 na ang naitatalang nasawi.

Habang mayroong mahigit 1.6 million ang naka-recover sa sakit.

Mayroon pang mahigit 2.5 million na aktibong kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa nasabing bilang, mahigit 2.4 million ang maituturing na mild condition habang mahigit 45,000 ang maituturing na serious o critical condition.

 

 

 

 

Read more...