Ayon sa PAGASA, limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Huwebes (May 14).
Pumalo sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Science City of Muñoz bandang 2:00 ng hapon.
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Aparri, Cagayan – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Calapan City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Dagupan City – 45 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.