Pilipinas, maliban sa NCR, Laguna at Cebu City, isasailalim na sa GCQ – Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Isasailalim na sa general community quarantine ang buong bansa maliban na lamang sa Metro Manila, Cebu City at Laguna.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, idedeklara ang GCQ sa May 16 kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila, Cebu City at Laguna sa modified enhanced community quarantine.

Ayon kay Roque, ginawa ng pangulo ang desisyon base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases.

“Lahat ng parte ng Pilipinas, maliban sa Metro Manila, Cebu City, at Laguna, ay mapapasailalim sa general community quarantine, base sa IATF Resolution No. 35-A. Ipatutupad ito simula May 16, kasabay ng modified enhanced community quarantine sa tatlong nahiwalay na mga lugar,” pahayag ni Roque.

Umiiral ang ECQ sa buong Luzon region hanggang sa May 15.

Read more...