Pinapayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga land-based and sea-based overseas Filipino worker na mai-deploy sa abroad kahit nagpapatuloy pa ang banta sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang ng mga OFW na pumirma sa declaration form na batid nila ang peligrong susuungin sa ibang bansa.
Pero paglilinaw ni Roque, hindi kasama sa deployment ang mga OFW na nagtatrabaho sa health care services bilang pagtalima na rin sa deployment ban na ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Agency.
Inaatasan naman ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa processing ng OFW deployment na maglagay ng green lanes para mapadali ang proseso at pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa.
Pinapayagan na rin aniya ng pamahalaan na makabalik na sa operasyon ang mga recruitment at placement agencies sa mga lugar na nasa ilalim ng general at modified community quarantine.