Taguig Top 5 sa anti-COVID19 drive

Nakilala sa isang survey ang Top 5 local government units (LGUs) sa Metro Manila na maayos at sistematiko ang ginagawang mga hakbang para sugpuin ang COVID-19.

Sa resulta na inilabas ng PUBLICUS Asia ang lima ay ang Pasig City (Mayor Vico Sotto); Manila (Isko Moreno); Taguig City (Mayor Lino Cayetano); Valenzuela City (Mayor Rex Gatchalian); at Marikina City (Mayor Marcy Teodoro).

Isinagawa ang non-commissioned online panel survey online at ito ay may 1,000 respondents.

Nakakuha ng higit 68 percent approval rating si Cayetano mula sa mga residente ng Taguig.

Sinabi ni Aureli Sinsuat, executive director ng PUBLICUS, ang ‘best practices’ na ginagawa ng limang lokal na pamahalaan ay dapat pamarisan maging ng ibang ahensiya ng gobyerno para mawakasan na ang krisis.

Enero pa lang ay sinimulan na ang Taguig ang paghahanda sa pamamagitan nang pagpapakalat ng mga impormasyon ukol sa sakit at kung paano maiiwasan ito.

Kasunod nito, sinimulan na ang ang pag-iimbak ng mga protective gear at pamamahagi ng hygiene kits na sinundan na ng pagbibigay ng ayuda.

Sinabayan pa ito ng pagbuo ng web-based services, partikular na sa pagbibigay ng serbisyo at atensyon medikal.

Read more...