Araullo High School, inilunsad na bilang quarantine facility sa Maynila

Pormal nang inilunsad ang Araullo High School bilang quarantine facility sa Lungsod ng Maynila, araw ng Huwebes (May 14).

Ayon sa Manila Public Information Office, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang paglulunsad ng 40-bed capacity quarantine facility.

Katuwang ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Junior Chamber International (JCI) sa pagtatayo ng naturang pasilidad.

Nagparating naman ng pasasalamat ang alkalde sa tulong ng JCI para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa publiko.

“I can honestly say na napakahalaga nito sa approach in the coming weeks ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Napagaan ang trabaho namin sapagkat ito ay naging modelo, itong disenyong ito ay maaaring makopya natin sa iba pang pasilidad,” pahayag ni Moreno.

Dumalo rin sa paglulunsad ng pasilidad sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, JCI National President Mark Joseph David, Executive Vice President Chris Liao, JCI Manila President John Bautista at Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim.

Read more...