Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Samar at Eastern Samar

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Samar at Eastern Samar.

Ito ay dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dulot ng Typhoon Ambo.

Alas 12:04 ng tanghali ng Huwebes, May 14, sinabi ng PAGASA na yellow warning level na ang umiiral sa nasabing mga lugar.

Babala ng PAGASA ang mabababang mga lugar ay maaring makaranas ng pagbaha bunsod ng nararanasang pag-ulan.

Habang maari namang magkaroon ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...