Donasyon ng San Miguel Corp. sa panahon na may COVID-19 pandemic, umabot na sa P13B

Umabot na sa P13.08 billion ang kabuuang halaga ng donasyon ng San Miguel Corporation (SMC) ngayong mayroong pandemic ng COVID-19.

Ang nasabing halaga ay kinapapalooban ng iba’t ibang uri ng mga donasyong pagkain at gamit ng SMC.

Kabilang dito ang sumusunod na mga halaga ng tulong:

– P500M na halaga ng PPEs, testing machines at kits at iba pang medical donations
– P3.09B na patuloy na sweldo sa mga empleyado at 3rd party providers
– P8.77B na halaga ng paunang buwis. concession at contractual fees na ibinayad sa gobyerno
– P100M para sa Project Ugnayan na mula sa pamilya ni SMC President Ramon Ang
– P91.8M na halaga ng alcohol na ipinamahagi sa mga ospital at iba’t ibang sangay ng gobyerno
– P487M na halaga ng bigas, canned goods, pultry products, fresh meats at iba pang pagkain na ipinamigay sa 1.6 milyong pamilya
– P15.37M na halaga ng cainsters disinfectant powder
– P11.07M na halaga ng libreng toll para sa medical frontliners
– P4M na halaga ng fuel cards
– P5.8M na halaga ng fuel para sa Libreng Sakay ng DOTr
– P5M na halaga para sa 10 emergency quarantine facilities

Tiniyak ng SMC na ngayong may problema sa COVID-19 ang bansa ay patuloy ang kumpanya sa pagsisikap na makatulong sa gobyerno at medical frontliners.

 

 

Read more...