Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa maraming lugar sa Mindanao.

Ito ay dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dulot ng Typhoon Ambo.

Alas 10:40 ng umaga ng Huwebes, May 14, sinabi ng PAGASA na yellow warning level na ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:

– Dinagat Island
– Siargao Island
– Surigao City
– Camiguin Island
– Samal Island
– Talikud Island
– Davao del Sur
– Davao Occidental
– Zamboanga del Sur

Babala ng PAGASA ang mabababang mga lugar ay maaring makaranas ng pagbaha bunsod ng nararanasang pag-ulan.

Habang maari namang magkaroon ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...